Thursday, February 09, 2006

Sandosenang Sapatos

Subject: Fw: Sandosenang Sapatos - nice read!From: http://us.f329.mail.yahoo.com/ym/Compose?To=mblmaca@adb.org&YY=28844&order=up&sort=date&pos=0Date: Fri, 3 Feb 2006 16:25:32 +0800To: undisclosed-recipients: ;

SAPATERO SI TATAY.

Kilalang-kilala ang mga likha niyang sapatos dito saaming bayan. Marami ang pumupunta sa amin para magpasadya. Ayon sa mgasabi-sabi, tatalunin pa raw ng mga sapatos ni Tatay ang mga sapatos nagawang-Marikina. Matibay, pulido, at malikhain ang mga disenyo ng kanyangmga sapatos.Paano mo ba naiisip ang ganyang istilo? Kay ganda!Siguro, dinadalaw ka ng musa ng mga sapatos at suwelas?Parang may madyik ang iyong kamay!Sa lahat ng papuri, matipid na ngingiti lamang si Tatay. Tahimik na tao siTatay. Bihirang magsalita.

LUMAKI AKONG KAPILING ang mga sapatos na gawa ni Tatay. Madalas aykinaiinggitan ako ng mga kalaro at kaklase ko. Buti raw at sapatero angTatay ko. Lagi tuloy bago ang sapatos ko kapag pasukan, kapag pasko, kapagbertdey ko, o kung nakatanggap ako ng honors sa klase. Ginagawan pa niyaako ng ekstrang sapatos kapag may mga tira-tirang balat at tela.Buti ka pa Karina, laging bago ang sapatos mo. Ako, lagi na lang pamana ngate ko. Sa 'kin napupunta lahat ng pinagkaliitan n'ya, himutok ng isangkaklase.Nasa Grade II na ako nang muling magbuntis si Nanay. Kay tagal naminghinintay na magkaroon ako ng kapatid. Sabi ng Lola ko, sinagot na raw angmatagal nilang dasal na masundan ako.Naku, magkakaroon na pala ako ng kahati sa mga sapatos! Pero di bale,dalawa na kaming igagawa ni Tatay ng sapatos ngayon.Habang nasa tiyan pa si baby, narinig kong nag-uusap sina Tatay at Nanay.Nagpa-check up ako kanina. Sabi ng doktora, babae raw ang magiging anaknatin!Talaga! Kung babae nga, pag-aralin natin ng ballet. Gusto kong magkaanak ngballet dancer! Ngayon pa lang ay pag-aaralan ko nang gumawa ng mga sapatosna pang-ballet.

PERO HINDI LAHAT ng pangarap ni Tatay ay natupad. Nagulat kaming lahat nangmakita ang bago kong kapatid. Wala itong paa. Ipinanganak na putol angdalawang paa!Nakarinig kami ng kung ano-anong tsismis dahil sa kapansanan ng kapatid ko.Siguro raw ay binalak na ipalaglag ni Nanay ang kapatid ko kayakulang-kulang ang parte ng katawan. Nilusaw raw ng mga mapinsalang gamotang kanyang mga paa. Isinumpa raw ng mga diwata ng sapatos si Tatay dahilmahal na itong sumingil sa mga pasadyang sapatos. O baka raw ipinaglihi siSusie sa manika.Nanay, bakit po ba walang paa si Susie?Nagkaroon kasi ako ng impeksyon anak. Nahawa ako ng German measles habangipinagbubuntis ko pa lang ang kapatid mo. At iyon ang naging epekto,malungkot na kuwento ni Nanay.Hindi na magiging ballet dancer ang kapatid ko. Malulungkot si Tatay.Araw-araw, ganun ang naiisip ko kapag nakikita ko ang mga paa ni Susie.Kaya pinilit ko si Nanay na muling pag-aralin ako sa isang ballet school(dati kasi, ayaw kong mag-ballet). Pero...Misis, bakit hindi n'yo po subukang i-enrol si Karina sa piano, o sapainting, o sa banduria class? Hindi yata talagang para sa kanya angpagsasayaw, sabi ng titser ko sa Nanay ko.Nalungkot ako. Hindi para sa aking sarili, kundi para kina Tatay at Susie,at sa mga pangarap na masyadong mailap.

SAKSI AKO KUNG paanong minahal siya nina Tatay at Nanay. Walang puwedengmanloko kay Bunso. Minsan, habang kami ay nagpipiknik sa parke, may isangmama na nakakita kay Susie.Tingnan n'yo o, puwedeng pang-karnabal yung bata! turo nito kay Susie.Biglang namula si Tatay sa narinig. Tumikom ang mga kamao. Noon ko langnakitang nagsalubong ang mga kilay ni Tatay. Muntik na niyang suntukin ito.Ano'ng problema mo, ha?Mabuti't napigilan siya ni Nanay.Isang gabi, habang nakahiga kami sa kama, narinig kong kinakausap ni Tataysi Susie.Anak, hindi baleng kulang ang mga paa mo. Mas mahalaga sa amin ng Nanay mona lumaki kang mabuting tao at buo ang tiwala sa sarili. Masuyo niya itonghinalikan.Hindi tumigil si Tatay sa paglikha ng sapatos para sa akin. Pero napansinko, kapag sinusukatan niya ang paa ko, napapabuntung-hininga siya.Pagkatapos ay titingin sa kuna.Sayang, Bunso, di mo mararanasang isuot ang magagarang sapatos na gawa niTatay bulong ko sa kanya.

LUMAKI KAMI NI Susie na malapit ang loob sa isa't isa. Hindi naging hadlangang kawalan niya ng paa para makapaglaro kami. Marami namang laro na dinangangailangan ng paa. Lagi nga niya akong tinatalo sa sungka, jackstone,scrabble, at pitik-bulag. Ako ang tagapagtanggol niya kapag may nanghaharotsa kanya. Ako ang tagatulak ng wheelchair niya. Ako ang ate na alalay!Noon ko natuklasan na marami kaming pagkakatulad. Parehong magaling angaming kamay kaysa aming mga paa. Ako, sa pagpipinta. Siya, sa pagsusulat ngmga kuwento. At oo nga pala, si Tatay, kamay rin ang magaling sa kanya!

MINSAN, GINISING AKO ni Susie. Sabi niya, nanaginip siya ng isangpambihirang sapatos. Napakaganda raw nito sa kanyang mga paa.May paa siya sa panaginip? gulat na tanong ko sa sarili.Maniwala ka, Ate, kay ganda ng sapatos sa panaginip ko. Kulay dilaw natsarol na may dekorasyong sunflower sa harap!Magbebertdey siya noon. At napansin ko, tuwing nalalapit na ang kanyangkaarawan, nananaginip siya ng mga sapatos.Ate, nanaginip na naman ako ng sapatos. Kulay pula ito na velvet at maymalaking buckle sa tagiliran.Binanggit din niya sa akin ang sapatos na kulay asul na bukas ang dulo atlitaw ang mga daliri niya. Ang sapatos na puti na may kaunting takong atmay ribbon na pula. Ang sapatos na yari sa maong na may burdang buwan atmga bituin. Ang sandalyas na parang lambat. Ang kulay lilang sapatos na maynakadikit na bilog na kristal sa harap.Manghang-mangha ako sa kung paanong natatandaan niya maski angpinakamaliliit na detalye ng mga sapatos - ang disenyong bulaklak, ribbon,butones, sequins, beads, o buckle. Inaangkin niya ang mga sapatos na 'yon.Ate, paglaki ko, susulat ako ng mga kuwento tungkol sa mga sapatos nanapapanaginipan ko. Ikaw ang magdodrowing, ha??

PAGLIPAS PA NG ilang taon, namahinga na si Tatay sa paglikha ng mgasapatos. Gumagawa na lamang siya ng sapatos para sa mga suking dimatanggihan. Noong nagdaos siya ng kaarawan, niregaluhan ko siya ng isakong painting na may nakapintang isang pares ng maugat na kamay nalumilikha ng sapatos. Binigyan naman siya ni Susie ng isang music box namay sumasayaw na ballet dancer.Pinasaya n'yo ang Tatay n'yo, sabi ni Nanay.Pagkatapos noon, naging masasakitin na siya. Labindalawang taon si Susienang pumanaw si Tatay.

ISANG ARAW, HINDI sinasadya'y napagawi ako sa bodega. Naghahalungkatako ng mga lumang sapatos na puwedeng ipamigay sa mga bata sabahay-ampunan. Sa paghahalughog, nabuksan ko ang isang kahong mukhangmatagal nang hindi nagagalaw. Naglalaman ito ng maliliit na kahon. Mgakahonng sapatos na maingat na nakasalansan!Para kanino ang mga sapatos? May umorder ba na hindi nai-deliver?? tanongko sa sarili.Pero nang masdan ko ang mga pares ng sapatos na yon, nagulat ako. Taglayng mga sapatos ang pinakamahuhusay na disenyo ni Tatay. Iba-iba ang sukatnito. May sapatos na pang-baby. May sapatos na pambinyag. May pang-firstcommunion. May pangpasyal. May pamasok sa eskuwelahan. May pangsimba.May sapatos na pang-dalagita.Lalo akong nagulat nang mabasa ang kanyang dedication sa nakasabit napapel: Para sa pinakamamahal kong si Susie, Alay sa kanyang unang kaarawanInisa-isa ko ang mga kahon. Lahat ng sapatos na nandoon ay para kay Susie.Diyata't iginagawa ni Tatay si Susie ng mga sapatos? Para kay Susie, lugod ng aking buhay Sa pagsapit niya ng ikapitong kaarawanTaon-taon, hindi pumalya si Tatay sa paglikha ng sapatos sa tuwingmagdaraos ng kaarawan si Susie! Sandosenang sapatos lahat-lahat. Handog sa mahal kong bunso Sa kanyang ika-12 kaarawanNapaiyak ako nang makita ang mga sapatos. Hindi ko akalaing ganun palakalalim magmahal si Tatay. Binitbit ko ang sandosenang sapatos at ipinakitako kina Nanay at Susie.H-Hindi ko alam na may ginawa siyang sapatos para sa yo, Susie. Namuo angluha sa mga mata ni Nanay. Inilihim niya sa akin ang mga sapatos??A-Ate, ito ang mga sapatos na napanaginipan ko. Hindi makapaniwalang sabini Susie habang isa-isang hinahaplos ang mga sapatos.Ha??Noon ko lang naalala ang mga sapatos na ikinukuwento ni Susie.Dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap. Kulay pulang velvetna may malaking buckle sa tagiliran. Asul na sapatos na bukas ang dulo atlitaw ang mga daliri. Kulay puti na may kaunting takong at may ribbon napula. Sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin.Sandalyas na parang lambat. Kulay lilang sapatos na may nakadikit na bilogna kristal sa harap.Naisip ko, tinawid kaya ng pag-ibig ni Tatay ang mga panaginip ni Susiepara maipasuot sa kanya ang mga sapatos?Hindi ko tiyak.Ang tiyak ko lang, hindi perpekto ang buhay na ito. Gaya ng hindi perpektoang pagkakalikha sa kapatid ko. Pero may mga perpektong sandali. Gaya ngmga sandaling nilikha ni Tatay ang pinakamagagarang sapatos para kay Susie.

(This story won First Prize, Maikling Kathang Pambata in the 2001 Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature